Tuesday, 3 September 2019

Wikang Katutubo: Tungo Sa Isang Bansang Filipino

          Agosto, buwan kung saan ginaganap ang buwan ng wika. Taon-taon itong nagaganap. Ito rin ang buwan kung saan pinapahalagahan nating mga Pilipino ang ating sariling wika. Mahalaga itong ipagdiwang ng bansang Pilipinas dahil dito ipinapakita natin ang pagpapakita ng pagmamahal sa ating mga ninuna at pagkamakabayan. Dapat nating mahalin ang ating sariling wika at  ipagpatuloy lang ang paggamit nito.

          Napakahalagang pag-aralin, unawain at gamitin ang ating sariling wika. Napakahalaga ang pagkakaroon ng sariling wika dahil kung wala tayong wika, hindi natin maiintindihan ang sinasabi sa isa't isa. Bilang isang Pilipino, ipinagmamalaki ko ang wikang "Tagalog." Patuloy kong mamahalin ang wikang tagalog at ito lang ang aking gagamitin.

         Sa ating henerasyon ngayon, nakakalungkot lang na isipin na maraming Pilipino ang minamahal, pinag-aaralan, at gumagamit sa mga wikang banyaga, lalung-lalo na sa wika ng Korea  o yung tinatawag na "Hangul." Patuloy na nilang ginagamit ang wikang banyaga at unti-unti na nilang nakakalimutan ang mga salitang tagalog.

          Dapat nating iwasan ang paggamit ng mga wikang banyaga. Bagkus ay mahalin at gamitin lang natin ang ating sariling wika.
https://www.google.com/url?sa=i&source=images&cd=&ved=2ahUKEwjog63Vl7TkAhWGF4gKHaf7C4QQjRx6BAgBEAQ&url=https%3A%2F%2Fwww.tagaloglang.com%2Fbuwan-ng-wika-2019%2F&psig=AOvVaw0Nu9At5wa_hUJV8DB62qPB&ust=1567584013210791

No comments:

Post a Comment

Reflection

  I have encountered many challenges in this quarter. We are stressed because of activities, and thematics. But, what we are doing or learn...